Kailan Lounge
Kailan mo ako hahagkan
Matagal na akong naghihintay
Nakadungaw sa bintana
Mga dahon lang ang kumakaway
Matagal na akong naghihintay
Nakadungaw sa bintana
Mga dahon lang ang kumakaway
Refrain:
Kailan ko mararamdaman
Pagdampi ng iyong labi
Tinatanaw ko ang mga bituin
Mga luhang humahalik
Sa aking pisngi
Kailan ko mararamdaman
Pagdampi ng iyong labi
Tinatanaw ko ang mga bituin
Mga luhang humahalik
Sa aking pisngi
Kailan ako tatahan
Higpit ng yahap ng iyong dibdib
Nakatingin ako sa salamin
May guhit ang noo
Mapait ang ngiti
Higpit ng yahap ng iyong dibdib
Nakatingin ako sa salamin
May guhit ang noo
Mapait ang ngiti
Refrain
Kailan ko masisilayan
Sa araw-araw aking mahal
Mula paggising
Hanggang sa pag-idlip
Kagandahan moy walang patid
Kailan mo ako hahagkan
Matagal na akong naghihintay
Nakadungaw sa bintana
Mga dahon lang ang kumakaway
Sa araw-araw aking mahal
Mula paggising
Hanggang sa pag-idlip
Kagandahan moy walang patid
Kailan mo ako hahagkan
Matagal na akong naghihintay
Nakadungaw sa bintana
Mga dahon lang ang kumakaway
Refrain
Kailan ako lalaya
Sa anino ng pag-iisa
Mga rehas lang ang tanaw
Nanginginig sa seldang maginaw
Sa anino ng pag-iisa
Mga rehas lang ang tanaw
Nanginginig sa seldang maginaw