Habulan

by Heaven Shall Burn

Ganito pala ang mundo
Matulin ang takbo
Laging naghahabol sa pangako
Bilisan, bawat hakbang
Nahihilo
Isang ulila sa gitna nitong gulo
Sari saring damdamin
Halu-halong hangarin
Naghahabulan
Tagumpay sa nalumbay
Sa kamay ng kaparan
O tay ka na naman
Takbo, takbo, sana'y makarating
Sa wakas ng pagkatuliro
Sa pag-ikot nitong daigdig
Habol ng habol
Pagkakataon di palalagpasin
Di magpapahuli kahit sandali
Huwag na sana maiwan muli
Bilisan, bawat hakbang
May dalang pag-alinalangan
Papunta, pabalik
Nagbibilang ng saglit, heta na
Ba't lagi pang natataya?
Manipis ang silip ng buwan
Di namamasdan
Ang paglipas ng oras
Nangangapa pa rin sa dilim
Habol nang habol
Sana'y makarating