Kamakailan Lang

by Idiot Pilot

Kamakailan lang
Kumapit ka sa'kin
Walang pakundangan
Hindi alanganin
Kamakailan lang
Di mo alam ako'y lumigaya
Kamakailan lang
Lahat ay bumagal
Tayong dal'wa lng
Walang sumagabal
Kamakailan lang
Binigyan mo ako ng laya
Sa 'king pagmulat
Wala ka bigla
Dagliang hinanap
Hindi makita
Hindi makita
Kaya nanghihinayang na ako
Kamakailan lang
Wala 'kong sinuyo
Pano nagawang
Mapasok ang puso?
Kamakailan lang
Hindi kita kilala
Sino ka nga ba?
Kamakailan lang
Ika'y panaginip
At nagugulantang na ang aking isip
Kamakailan lang
Tinalikuran 'ko ang pag-ibig
Sa 'king pagmulat
Wala ka bigla
Dagliang hinanap
Hindi makita
Hindi makita
Kaya nanghihinayang na ako
Bakit muling nasayang
Kamakailan lang
Puno ako ng duda
Kamakailan lang
Tumulo ang luha
Kamakailan lang
Lumapit ka't iyong pinunas
Ikaw pala ang lunas
Sa 'king pagmulat
Wala ka bigla
Dagliang hinanap
Hindi makita
Hindi makita
Kaya nanghihinayang na ako
Bakit muling nasayang
Sa 'king pagmulat
Wala ka bigla
Dagliang hinanap
Hindi makita
Hindi makita
Kaya nanghihinayang na ako
Bakit muling nasayang
Kamakailan lang
Bigla kang naglaho