🔥 LIMITED: Get 3 Months Amazon Music Unlimited FREE → Claim Now

Maskarahan

by Euroband

(Castillo/Lim/Yuson)
natutuwa ka pa ba
sa pagtawa sa likod ng maskara?
maya’t maya pinipigil ang ngiti
lagi na lang nakagapos
ang iyong tunay na sarili
parang bato ang iyong pisngi
di marinig daing ng konsiyensiya
at di mo na malaman
kung kaninong anino ba
ang nakakabit sa iyong paa
hubarin na
ang iyong maskara
di kilala ang nakikita sa salamin
isang silip at pinipilit mong alamin
at kulayan ang larawan
kilalanin siya muli
lahat tayo kung minsa’y
nagkukunwari
nagsasawa ka na ba
sa pagluha sa likod ng maskara?
tuwing nakikisama’t nagsasaya
nakangiti pero sa loob
may tinatago na drama
di halata sa iyong mata
nakikinig lang sa hilig ng iba
kahit ano sasabihin mo
para lang di mapahiya
matakpan lang ang iyong mukha
hubarin na
ang iyong maskara
di kilala ang nakikita sa salamin
isang silip at pinipilit mong alamin
at kulayan ang larawan
kilalanin siya muli
lahat tayo kung minsa’y
nagkukunwari
-cusfungus@yahoo.com

Get the music

Shop Euroband on Amazon

Albums & Music

As an Amazon Associate, we earn from qualifying purchases.

More Songs by Euroband
🎵

View Full Lyrics

Support us by checking out Euroband on Amazon!

🎧 Browse on Amazon

Affiliate link

🎵 Love music? Try Amazon Music FREE →